Aabot sa 50 pasahero ang nailigtas matapos masira at tuluyang lumubog ang isang motorboat sa karagatang sakop ng Simunul, Tawi-Tawi noong Enero 19.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng butas sa unahan ng bangka kaya napilitang pumunta sa likurang bahagi ang mga sakay.

Kalaunan, tumalon na sa dagat ang mga pasahero habang lumulubog ang bangka, gamit ang kanilang bagahe at mga walang lamang lalagyan upang manatiling nakalutang.

Sinabi ng isa sa mga pasahero na wala silang suot na life vest dahil nasa loob umano sila ng bangka.

Mahigit isang oras ang lumipas bago sila nasagip sa tulong ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine National Police, at ng lokal na pamahalaan ng Simunul.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PCG, hindi kinaya ng motorboat ang malalakas na alon.

Ligtas namang nailigtas ang lahat ng pasahero at dinala sa ospital para sa agarang medikal na atensyon.