Pinag-aaralan ng pretrial chamber ng International Criminal Court (ICC) ang aplikasyon ng 500 na karagdagang indibidual na nagnanais na makibahagi sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Saklaw nito ang mga hindi direktang hindi naapektohan sa drug war ni Duterte, na nagresulta sa maraming pagpatay ng hanggang 30,000 katao batay sa pagtaya mula sa human rights watchdogs.

Kinasuhan si Duterte ng tatlong bilang ng murder bilang crime against humanity.

Ang pag-aaral sa mga aplikasyon ng mga biktima sa kaso ay kasunod ng pag-aproba ng Pre-Trial Chamber 1 nitong nakalipas na buwan sa unang batch ng 39 na mga biktima.

Sina bagong talagang legal representatives Joel Butuyan and Gilbert Andres ang kakatawan sa mga biktima sa apat na araw na confirmation of charges hearing na magsisimula sa February 23, na inaasahan na dadalo si Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit wala pang magiging aktibong papel ang mga biktima sa nasabing yugto ng proceedings dahil sa hindi pa inaasahan na ipiprisinta ang mga testigo.