Bukas na ngayong araw ang International Media Center sa World Trade Center sa Pasay City para magsilbing working area ng mga lokal at dayuhang mamamahayag na magko-cover sa ASEAN Summit.

Tinatayang limang libong delegado, lider ng iba’t ibang bansa at mamamahayag ang inaasahang dadalo sa tatlong araw na pagtitipon.

Umaasa ang Malacañang na magdadala ito ng mas maraming turista at magbubukas ng oportunidad para sa mga lokal na komunidad at maliliit na negosyo.

Pagkakataon din ito upang maipakita sa mga dayuhang bisita ang ganda ng Pilipinas at ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino.

Mananatiling bukas ang media center hanggang November 17, kasabay ng mga aktibidad ng summit na gaganapin mula November 15 hanggang 17.

-- ADVERTISEMENT --