Umabot sa 53 ang natukoy na planong pamamaril sa mga paaralan sa South Cotabato sa loob lamang ng isang linggo, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla na lahat ng planong pag-atake ay napigilan ng mga awtoridad at 53 indibidwal na umano’y sangkot sa online threats at panggroom ang naaresto.

Ayon sa kalihim, hindi magkakaugnay o centrally coordinated ang mga planong pag-atake.

Ilan sa mga naaresto ay sumasailalim sa psychiatric counseling, habang ang iba naman ay hinahawakan sa pamamagitan ng iba pang proseso.

Hindi muna inilabas noon ang impormasyon dahil sensitibo ang mga kaso at may kinalaman din umano sa mga batang nasasangkot sa paglabag sa batas.

-- ADVERTISEMENT --