
Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines ang 55 bilang ng Chinese vessels nitong nakaraang linggo.
Mula January 18 hanggang 25, namataan ang mga barko ng ng People’s Liberation Army Navy, China Coast Guard at maritime militia sa mga bisinidad ng Pag-asa Island, Bajo de Masinloc, Escoda Shoal at Ayungin Shoal.
Kasabay nito, iginiit ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na iligal pa rin ang presensya ng China malapit sa Bajo de Masinloc, na malinaw na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Ito’y sa kabila ng pagsagip ng China Coast Guard sa mga Pilipinong sakay ng tumaob na MV Devon Bay.
Aniya, hindi nito mabubura ang mga nauna nang coercive at aggressive actions ng China laban sa Pilipinas sa West Philippine Sea.










