Pinabulaanan ni National Security Adviser Eduardo Año ang mga alegasyon ng mga dating Marines na nakatanggap siya ng paper bag sa sinabi ng mga dating sundalo na nagdala sila ng cash sa ilang pulitiko mula kay dating Congressman Zaldy Co.

Tinawag ni Año ang mga alegasyon na malisyoso, walang katotohanan, at gawa-gawa.

Batay sa akusasyon ng mga dating Marines, tinanggap umano ni Año ang paper bag pagkatapos ng isang pulong sa Polo Club townhouse.

Binigyang-diin ni Año na hindi siya kailanman dumalo sa meeting kasama sina dating Speaker Martin Romualdez, Co, at Rep. Leila De Lima sa Polo Club townhouse o saan mang lugar at wala siyang tinanggap na paper bag o package mula sa mga dating Marines.

Sinabi ni Año na handa ang kanyang legal team para sa nararapat na hakbang laban sa mga nag-aakusa sa kanya dahil hindi niya tanggap ang mga pagtatangka na sirain ang kanyang reputasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kahapon sinabi ng mga nasabing dating Marines sa isang press conference kasama ang kanilang abogado ni Atty. Levito Baligod na nagdala sila ng suitcases na laman ang cash na nasa P805 billion na mula sa kickbacks sa mga maanomalyang flood control projects sa ilang pulitiko.