Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 55 ang bilang ng mga kontraktor na nagbigay ng kontribusyon sa mga kandidato noong Eleksyon 2022.
Kabilang dito ang mga tumakbo sa iba’t ibang posisyon mula pangulo, pangalawang pangulo, senador, kongresista, partylist, hanggang gobernador at bise gobernador.
Ayon sa Comelec, humihingi na ito ng kumpirmasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang malaman kung ang mga nasabing kontraktor ay may hawak na kontrata sa gobyerno noong panahon ng eleksyon.
Kasama sa iniimbestigahan ang P30 milyong donasyon na natanggap ni Senador Chiz Escudero mula sa isang opisyal ng Centerways Construction and Development Inc.
Alinsunod sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal sa mga kontraktor ng pamahalaan ang pagbibigay ng donasyon sa mga kandidato dahil maituturing itong paglabag sa batas.