TUGUEGARAO CITY-Kailangang tapusin ng bagong talagang commanding officer ng 17th infantry battalion ang isyu ng insurhensiya sa nasasakupang lugar

Paghahamon ito ni Brig. Gen. Alden Juan Masagca, acting commanding officer ng 5th Infantry Division (ID) Philippine Army sa bagong upong commanding officer ng 17th infantry battalion na si Lt. Col. Jets Pagala.

Ayon kay Masagca, kailangan umanong tapusin o masolusyonan ni Pagala ang insurhensiya lalo pa at may mga miembro na ng makakaliwang grupo ang nagbalik loob sa pamahalaan sa pamumuno ng dating commanding officer na si Lt. Col. Camilo Saddam.

Aniya, ito’y para matigil narin ang ginagawang karahasan ng mga makakaliwang grupo tulad nang panununog sa mga kagamitan sa probinsiya.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi Masagca na asahan umano ang mas maigting na operasyon ng militar laban sa rebeldeng grupo.

Samantala , nagbigay naman ng kasiguraduhan si Pagala na kanyang ipagpapatuloy ang nasimulang mga magagandang gawain ng dating commander.