Anim na estudyante ang kumpirmadong nasawi habang 17 ang malubhang nasugatan sa pamamaril sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes, ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon sa updated report ng DSWD, nasa lugar na ang mga social worker nito upang magbigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga biktima at kanilang pamilya.

Patuloy din ang koordinasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Banga at sa paaralan para sa kinakailangang suporta sa mga naapektuhan.

Dahil sa insidente, agad na sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan ng Banga.

Samantala, sinabi ng Department of Education o DepEd na patuloy nitong kinokonsulta ang mga awtoridad at law enforcement kaugnay ng insidente at sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante at school personnel.

-- ADVERTISEMENT --