Umaabot na sa anim ang firecracker related injuries ang naitala ng Department of Health Region 2.

Sinabi ni Lexter Guzman, information officer ng DOH Region 2 na tatlo ang napaso dahil sa dragon firecracker sa Tuguegarao City, isa sa Santa Ana, Cagayan na dahil sa boga at dalawa naman sa Isabela.

Ayon kay Guzman, nananatili sa ospital ang 6 anyos na mula sa Santa Ana dahil sa kanyang injury sa kanyang genital area.

Kaugnay nito, sinabi ni Guzman na hanggang January 5, 2020 ang kanilang monitoring sa mga posibleng masasaktan dahil sa mga paputok.