Pito na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Apayao, batay sa inilabas na press release ni Governor Eleanor Bulut-Begtang

Itoy matapos na lumabas ang pinakabagong resulta ng pagsusuri sa anim na panibagong kumpirmadong kaso ng nagpositibo sa sakit, ngayong araw.

Galing sa bayan ng Pudtol ang isang covid 19 positive case, tatlo sa Sta. Marcela at dalawa sa bayan ng Luna kung saan inaalam pa ang iba pang detalye tungkol sa kanila.

Bukod sa contact tracing, ipinatupad na rin ang temporary lockdown sa boundary ng Pudtol, Sta Marcela at Luna kung saan mahigpit na binabantayan ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa naturang lugar.

Sa ngayon ay pito na ang kumpirmadong kaso ng covid 19 sa apayao kung saan nakarekober na ang pinakanaunang kaso mula sa bayan ng conner. Ñ

-- ADVERTISEMENT --

Pinayuhan naman ng gobernador ang mga mamamayan na maging kalmado at sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na ang probinsiya ng Apayao sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City para mai-refer ang mga confirmed case para sa mga kaukulang hakbang.