Tuguegarao City- Nadagdagan pa+ ng anim ang mga panibagong kaso ng COVID-19 sa lambak ng Cagayan.

Sa huling datos ng DOH Region 2 ay sumampa na sa 67 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit sa rehiyon.

Kabilang sa anim na panibagong nadagdag si CV62, 49 na lalaki, OFW galing Saudi na mula sa Baggao Cagayan, CV63, 24 anyos, babae, OFW sa Saudi at mula sa Cauayan City at si CV64, 27, lalaki, OFW galing Saudi at residente ng San Mateo, Isabela.

Dagdag pa rito ay positibo rin sa COVID-19 si CV65 na 54 anyos na babae galing ng Tondo, CV66, 25, babae, galing ng Bulacan at si CV 67, 53 anyos na lalaki, galing ng Cavite at mga pawang mula sa Santiago City.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang contact tracing ng mga otoridad habang nasa iba’t ibang isolation facilities na ang mga panibagong nadagdag na pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na ipinapaalala sa publiko ang pagsunod sa mga alituntunin upang makaiwas pa rin sa banta ng COVID-19