TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang anim na taong gulang na bata matapos masagasahan sa bayan ng Sta Ana , Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, biglang tumawid ang biktima na si Mark Jude Toda, 6-anyos ng Brgy Rapuli pagkababa nito sa school service papunta sa kanilang bahay.

Hindi naman napansin ng suspek na si Diosdado Martinez, 54-anyos ng brgy Centro Sur, Gattaran ang papatawid na bata habang minamaneho ang kanyang pick up truck na sanhi ng pagkabangga.

Agad namang dinala sa pagamutan ang bata na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan na nasa maayos nang kondisyon sa ngayon.

Kaugnay nito, nagkasundo ang magkabilang panig na sasagutin na ng suspek ang pagpapagamot sa bata.

-- ADVERTISEMENT --