Nagpapagaling umano sa ospital ang 60 pulis na nasugatan makaraan ang tensiyon sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Buhangin Dsitrict, Davao City kasunod ng nagpapatuloy na pagsisilbi ng arrest warrants laban sa pugante na si Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa niya akusado sa kasong child abuse at drug trafficking.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) XI Spokesperson Maj. Catherine Dela Rey, ang mga nasabing pulis ay nagtamo ng mga sugat sa kanilang ulo, leeg, ilong,mukha, kamay, at sa tuhod.

Dalawa naman ang nasugatan na miyembro ng KOJC na ginamot ng pulisya.

Dahil dito, nananawagan ang PNP sa mga supporters ni Quiboloy na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan upang maiwasan ang sakitan.

Kaugnay nito, naghain ang pulisya ng reklamong obstruction of justice, direct assault, resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act laban sa 29 na miyembro ng KOJC

-- ADVERTISEMENT --

Nasa kustodiya sila ng Davao City Police at nakatakdang isalang sa inquest proceedings.