Natanggap na ng nasa 600 displaced workers ang kanilang separation pay matapos mawalan ng trabaho sa pagsasara ng dalawang negosyo sa Cagayan Economic Zone Authority o CEZA.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr., kabuuang P48 milyon ang nabayaran ng dalawang employer sa kanilang manggagawa.

Noong nakaraang taon ay nag-isyu ang CEZA ng closure order sa dalawang negosyo na dahilan para mawalan ng trabaho ang daan-daang empleyado.

Bukod sa natanggap na separation pay, 55 displaced workers na sumali sa job fair ng CEZA at DOLE ang hired on the spot habang nasa 100 naman ang kinuha ng ibang kumpanya.

Sinabi ni Atal na ang mga natitirang displaced workers nag makikinabang sa job assistance na ipinagkakaloob ng DOLE sa pakikipagtulungan na rin sa Lokal na Pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program at Integrated Livbelihood Program na layong makapagbigay sa kanila ng emergency employment.

Ipinaliwanag rin ng DOLE sa isinagawang labor education service ang kanilang makukuhang unemployment insurance claims mula sa Social Security System.