Tuguegarao City- Karagdagang 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lambak ng Cagayan.
Mula sa nasabing bilang 17 ang galing ng Isabela, lima sa Cagayan at tig-isa sa Santiago City at Nueva Vizcaya.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, sumampa na sa 2,624 ang kabuuang kaso ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Kaugnay nito ay nasa 438 naman ang active cases kung saan 69% ang asymptomatic, 30% ang mild at 1% ang severe.
Nadagdagan din ng panibagong 37 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit at ngayon ay umakyat na sa 2, 148 ang mga nakarecover sa buong rehiyon.
Wala namang karagdagang bilang ng nasawi ang nadagdag sa talaan ng kagawaran kung kaya’t nananatili pa rin sa kabuuang 38 ang bilang nito.
Pinakamarami pa rin naitalang kaso sa lalawigan ng Isabela na may 1,248, sumunod ang Cagayan na may 648, 605 sa Nueva Vizcaya, 118 Santiago, lima sa Quirino at, dalawa sa Batanes.