Lumabas sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na ang nakatatandang kapatid o kuya ang aksidenteng nakabaril sa isang pitong taong gulang na bata sa Tondo, Maynila.
Sa impormasyon, nalaman na nakita umano ng 13-anyos na binatilyo ang baril ng kanyang ama na isang pulis sa kanilang drawer.
Maari umanong pinakialaman ng binatilyo ang 9mm bereta na service firearm ng ama at sa hindi malamang kadahilanan ay pumutok ito.
Unang tumama sa cabinet ang bala saka tumagos ang bala sa kanilang silid kung saan tinamaan sa tagiliran ang biktima habang natutulog.
Taliwas sa naunang ulat, ang ama ng biktima ang siyang aksidenteng nakabaril.
Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Kasabay ng paghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang bunsong anak ay nag-aalala rin ang ama sa kalagayan ng kanyang binatilyong anak.
Dahil sa insidente, posibleng maharap pa sa kasong administratibo at kriminal ang ama.