
Patuloy na namamataan ang mga barkong pang-militar ng China sa paligid ng Bajo de Masinloc, na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa isinagawang maritime domain awareness flight ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong sabado, naitala ang nasa pitong barko ng China malapit sa Scarborough Shoal.
Kabilang dito ang dalawang barko ng People’s Liberation Army (PLA) Navy at dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) habang nagsasagawa ng sariling patrol ang BRP Cape San Agustin ng PCG.
Bukod dito, minomonitor din ang presensya ng tatlong barko ng Chinese Maritime Militia at isang Chinese buoy na matatagpuan 2 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc.










