
Isang pitong buwang gulang na sanggol na babae ang nasawi matapos tamaan ng bala habang nasa stroller sa Brooklyn,New York City kahapon, ayon sa mga opisyal ng lungsod.
Pinaniniwalaang may kaugnayan ito sa karahasang dulot ng gang.
Ayon sa pulisya, may nagpaputok ng baril sa isang kalye sa Brooklyn kung saan may ilang matatanda, dalawang stroller, at maraming bata.
Agad na tumakbo ang mga magulang ng sanggol papasok sa isang malapit na tindahan upang magtago.
Ngunit nang silipin nila ang stroller, nakita nilang duguan na ang kanilang anak.
Kinumpirma ni Jessica Tisch, Police Commissioner ng lungsod, na nasa kustodiya na ang suspek.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
Dinala ang bata sa Woodhull Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Samantala, sinabi ni Mayor Zohran Mamdani ng New York City, na isang napakasakit na pangyayari ang insidente, dahil isang buhay ng sanggol ang nawala.
Bagama’t karaniwan ang insidente ng pamamaril sa Estados Unidos, iniulat ng New York City Police Department na ang 2025 ang naging pinakaligtas na taon ng lungsod pagdating sa gun violence.
Naitala ang 688 insidente ng pamamaril noong 2025 — mas mababa ng 24% kumpara noong 2024










