Umabot na sa pitong kolorum na tricycle ang nahuli at na-impound sa isinagawang operasyon laban sa mga bumibiyaheng colorum na tricycle sa Tuguegarao City nitong nakalipas na buwan ng Pebrero ngayong taon.
Ayon kay Mariano Cabugos ng Tricycle Regulation Unit, apat sa mga nahuli ay isang franchise para sa dalawang tricycle; dalawa ang nakansela ang franchise at isang private tricycle, na pawang mgta residente sa Lungsod.
Sa ilalim ng oridinasa, bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang P2K, maliban pa sa pagpappintura ng puti at paglalagay ng “private” at “not for hire” bago makuha ang tricycle.
Nagpaalala naman si Mariano sa mga lehitimong driver at operator na may valid na prangkisa kaugnay sa franchise cancellation kung nakagawa ng tatlong paglabag ang mga ito sa loob ng anim na buwan.
Hinikayat rin ang mga tricycle driver na dumalo sa mga isinasagawang seminar kada Huwebes.