Boluntaryong sumuko sa kasundaluhan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pitong miembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na umano’y nakabase sa probinsya ng Cagayan.

Una rito, nagsagawa ng negosasyon at paghikayat ang kasundaluhan sa pangunguna ng 17th Infantry battalion Philippine army sa mga miembro ng Platoon Bravo of West Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan (KOMPROB-CAGAYAN) para sumuko sa pamahalaan hanggang sa nahikayat ang pito sa mga ito

Sinalubong ng kasundaluhan ang mga sumukong rebelde sa Zinundungan Valley partikular sa boundary ng bayan ng Sto niño at Rizal sa Cagayan.

Bitbit ng mga sumukong rebelde ang isang M16 rifle, dalawang home made shot gun, isang calibre 38 na baril, maraming bala, isang hand grenade, tatlong rifle grenade, Npa flag at iba pang subersibong dokumento.

Batay sa report ng 5th ID, kahirapan na naranasan sa kabundukan ang nagtulak sa pitong rebelde na magbalik loob sa gobyerno at nais na rin nilang makasama ang kanilang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, tiniyak ng pamunuan ng 5th ID ang tulong na ibibigay sa mga rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (eclip).

Samantala, pinapurihan ni 5th ID division commander gen Lawrence Mina ang sipag at tiyaga ng 17th IB na linisin ang nasasakupang lugar laban sa insurhensiya.