TUGUEGARAO CITY- Huli ang 73 Chinese nationals at 3 Pilipino na nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operation sa isang hotel sa Santa Ana, Cagayan kagabi.

Sinabi ni Gelacio Bonggat, director ng National Bureau of Investigatiopn Region 2 na sinalakay ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga nasabing Chinese sa bisa ng search warrant Brgy. Rapuli.

Ayon pa kay Bongngat, illegal ang aktibidad ng mga nasabing Chinese dahil sa ang kanilang permit ay bilang locator ng Cagayan Economic Zone Authority at hindi magpatakbo ng online gambling.

Nakuha rin sa lugar ang kagamitan ng mga ito ng 103 desk top at laptop computers.