Sa kauna-unahang pagkakataon mula taong 1948, pamumunuan ng Pilipinas ang 78th World Health Assembly (WHA), kung saan isusulong ng Department of Health (DOH) ang adbokasiya para sa health equity sa local, regional, at global landscapes.
Ayon sa DOH, layunin ng bansa na tiyakin ang pantay na access sa health services sa lahat ng miyembrong estado ng World Health Organization (WHO).
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang global health landscape sa harap ng mga bagong hamon.
Pangungunahan naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang delegasyon ng Pilipinas sa Geneva, Switzerland mula Mayo 19–27, at palalawakin rin umano ng bansa ang papel nito sa global health diplomacy at bilateral cooperation.
Matatandaang, ang WHA ang pinakamataas na policymaking body ng WHO na nilalahukan ng 194 na bansa, kabilang ang Pilipinas na isa sa mga founding member at host ng regional office sa Western Pacific.