Naaresto na ng pulisya ang 7th Most Wanted sa Cagayan Valley dahil sa kasong statutory rape.

Ayon kay PCOR Jayson Lazaro, imbestigador ng PNP-Aparri, nadakip ang 44-anyos na suspek sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Brgy Giddam, Abulug matapos lumabas ang kanyang warrant of arrest dahil sa kasong 2 counts of statutory rape at isang Acts of lasciviousness.

Base sa reklamong inihain laban sa suspek, taong 2023 nang simulan nitong molestyahin sa loob ng isang taon ang 15-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa bayan ng Aparri.

Nang malaman umano ng kanyang kinakasama ang pang-aabuso sa kanyang anak ay nagtago na ang suspek sa kanyang mga kamag-anak sa bayan ng Abulug.