TUGUEGARAO CITY-Balik trabaho na ang walong pulis kasama ang dalawang trainee ng Police regional Office (PRO-02) matapos ang 14 day quarantine at magnegatibo sa kanilang rapid test laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay P/Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, negatibo ang walong pulis sa covid-19 batay sa ginagawang rapid test ng Regional health service 2.

Una rito, isinailalim sa 14 day quarantine ang walong pulis matapos makaranas ng sintomas ng virus tulad ng sipon,lagnat at ang ilan ay nagkaroon ng exposure sa covid- 19 patient sa rehiyon.

Aniya, kahapon ay nakalabas na sa quarantine area ng PRO-2 ang walong pulis at balik serbisyo na ngayong araw.

Sinabi ni Iringan na sa kabila ng ilang araw na pamamalagi sa quarantine area ng mga pulis ay makakatanggap pa rin sila ng sahod

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni P/Lt. Col. Chevalier Iringan

Samantala, siniguro naman ni Iringan na sapat ang kanilang PPEs o Personal protective Equipment bilang proteksyon sa nakakamatay na virus.