Huli ang siyam na Korean national sa Parañaque City sa pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) na hinihinalang mga sangkot sa online fraud.

Ayon sa NBI, naaresto ang mga Korean national sa tulong ng NBI-Organized and Transnational Crime Division at BI-Fugitive Search Unit (FSU) sa condominium nito sa Parañaque City.

Sinabi pa ng NBI na nahuli ang mga sangkot na nakikipag-negosasyon gamit ang kompyuter at mga online platforms na ginagamit para sa mga financial transaction.

Ang mga naarestong indibidwal ay sasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa inamyendahang Philippine Immigration Act of 1940.

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng NBI ang mga suspek habang prinoposeso ang mga dokumento at ililipat sa Bureau of Immigration Warden Facility.

-- ADVERTISEMENT --