
Nagpakita ng malakas na performance si Bol Bol matapos magtala ng 35 puntos, 14 rebounds, dalawang assists, at apat na blocks sa panalo ng TNT kontra Terrafirma, 101-89, sa PBA Commissioner’s Cup.
Sa kabila ng impresib na opensa, binigyang-diin ni coach Chot Reyes na marami pa ring dapat ayusin si Bolbol sa depensa, kabilang ang hindi pagbalik sa depensa at kakulangan sa komunikasyon sa mga kasamahan sa team.
Ayon kay Reyes, bukas naman sa coaching si Bolbol at aktibo itong humihingi ng feedback sa kanyang mga kakampi, ngunit kailangan pa rin ng mas mahabang adjustment sa kanyang laro sa liga.
Nangyari ang naturang panalo matapos matalo ang TNT sa Meralco sa naunang laro, kung saan may magandang numero rin si Bol ngunit nahirapan dahil sa food poisoning.
Patuloy na haharap sa hamon ang TNT sa susunod nilang laro kontra Blackwater, habang nagpapatuloy ang pagbabago sa coaching staff ng ilang koponan sa liga sa gitna ng mainit na takbo ng season.










