Inaasahan na aabot mula 9 hanggang 13 bagyo ang maaaring tumama sa bansa sa panahon ng Habagat na nagsimula noong nagdaang buwan ng Marso at magtatagal hanggang sa unang mga buwan ng susunod na taong 2027.

Ayon kay Joey Purificacion ng PAGASA, mas mababa ang bilang ng inaasahang bagyo ngayong taon kung ikukumpara sa panahon ng Habagat ng nagdaang taon.

Mabawasan aniya ang bilang ng mga bagyong tatama sa panahon ng Habagat dahil sa epekto ng EL Niño.

Marami aniya sa bagyong ito ay maaaring maging Super Typhoon o malalakas na bagyo.

Ang El Niño ay ang panahon na below normal ang ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa pero may mga lugar din na makararanas ng drought o dryness.

-- ADVERTISEMENT --

Buwan aniya ng Agosto ang peak ng Habagat pero ang mga landfall ng bagyo ay mas madami hanggang sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Dagdag pa ni Purificacion, kahit na may El Niño sa ngayon ay makararanas pa rin ng matitinding pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil parin sa habagat.

Pinayuhan din nito ang publiko na ugaliing maging handa at makipag-ugnayan sa kinauukulan kapag may mararanasang kalamidad laluna ng bagyo.