TUGUEGARAO CITY-Sasampahan ng kasong illegal logging at paglabag sa enhanced community quarantine ang apat na katao habang dinala naman sa Department of social welfare and development (DSWD) ang limang menor-de-edad nang mahuli sila magkahiwalay na operasyon sa kapulisan sa pagpupuslit ng mga kontrabandong kahoy sa bayan ng Gonzaga.

Ayon kay P/major Joefferson Gannaban, hepe ng PNP-Gonzaga, isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa kanilang hanay sa pagkakarga ng anim na katao kasama ang tatlong menor-de-edad sa barangay Sta Maria.

Agad namang nagtungo ang kapulisan at naaktuhang nagkakarga ang anim na katao ng kahoy na umaabot sa 320 board feet na nagkakahalaga ng P11,000 sa kanilang sasakyan.

Samantala, nahuli rin ang tatlong katao sa kaparehong lugar na nagpupuslit din ng kahoy na umaabot sa 130 board feet at nagkakahalaga ng P5,000.

Sa ngayon, hawak na ng Pnp-gonzaga ang apat na suspek habang nakatakda namang I-turn over ang mga nahuling kahoy sa DENR.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni P/major Joefferson Gannaban