TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng siyam na panibagong confirmed cases ng coronavirus disease (Covid-19) ang Region 02, kahapon, Hulyo 11, 2020.

Ayon sa Department of Heath (DOH) Region 2, ang unang kaso ay si CV 153, isang 30-anyos na lalaki mula sa Tuao na galing sa Tondo, Manila at nakarating sa Cagayan noong July 3.

Mula naman sa nasabing bilang, tatlo naman ay mula sa bayan ng Enrile,sila ay sina CV 154 na isang 29-anyos na babae , CV 155 na isang 6-anyos na babae at CV 156, 68-anyos na babae pawang galing sa Quezon City at nakarating sa Cagayan noong Hulyo 9, 2020.

Panglimang kaso ay si CV 156 na isang 36 taong gulang na babae mula sa Baggao ,isang OFW na galing sa Saudi Arabia na nakarating sa Pilipinas noong June 18, isinailalim sa quarantine sa Maynila mula June 18 hanggang June 30 at nakarating sa lalawigan noong July 6.

Ang pang-anim, pangpito at pangwalong kaso ay sina CV 158, 37-anyos, CV 159 , 40-anyos at CV 160 ,21-anyos na pawang mga residente ng Pasay CITY.

-- ADVERTISEMENT --

Dumating sa bayan ng Alcala ang tatlong pasyente noong Hulyo 10,2020 upang dumalo sa libing ng kamag-anak ngunit ngunit hindi pinahintulutan ng LGU-Alcala .

Ayon kay provincial health officer Carlos Cortina ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na batay sa pahayag ng DOH ang tatlong pasyente ay hindi kasali sa datos ng Cagayan Valley sa halip ay sa NCR o national capital region sila mapapabilang.

Ngunit, inireport lamang sa probinsiya dahil sa pinaigting na contact tracing at dahil nandito sila ngayon sa Cagayan.

Samantala, ang pangsiyam na kaso ay si CV 161 na isang 43 taong gulang na babae mula sa Naguilian, Isabela, isang OFW sa Panama at nakarating sa Pilipinas nitong Hunyo 27.

Sa ngayon, ay nasa iba’t-ibang quarantine facility ang siyam na pasyente at pawang mga asymptomatic o hindi nakikitaan ng sintomas ng virus.