Umakyat na si 90 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), posibleng tumaas pa ang nasabing bilang dahil sa may nasa 30 katao pa ang nawawala.

Sinabi pa ng NDRRMC, sa ngayon ay 158 na lugar ang nagdeklara na state of calamity.

Karamihan sa lugar ay sa Bicol Region na may 78, kabilang ang buong probinsiya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.

Samantala, iniulat ng Department of Agriculture na umaabot na sa P3.11 billion ang pinsala na iniwan ni Kristine sa mga pananim at fisheries sector.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DA, mahigit 74,000 farmers ang naapektohan ng kalamidad.