Tinatayang nasa 95 katao ang namatay dahil sa flash floods sa Spain.
Nagmistulang tila ilog ang mga kalsada, maraming bahay ang nasira, at nakaapekto sa transportasyon dahil sa nasabing kalamidad.
Ito ay dahil sa walang tigil na buhos ng ulan noong Martes at Miyerkules na nagresulta ng mga pagbaha sa southern at eastern Spain, mula Malaga hanggang Valencia.
Inanod ng maputik na tubig ang mga sasakyan at ilang kagamitan sa loob ng mga bahay na dinaanan ng flash floods.
Gumamit ang mga pulis at rescue services ng helicopters para iligtas ang mga tao sa kanilang mga tahanan, habang ang iba ay gumamit ng rubber boats para sa mga drivers na stranded sa taas ng kanilang mga sasakyan.
Kinumpirma ng mga awtoridad sa Valencia ang namatay na 92, dalawa sa kalapit na Castilla La Mancha region, habang isa sa southern Andalusia.
Dahil dito, idineklara ng Spanish government ang tatlong araw na pagluluksa simula ngayong araw.