Sinagip ng mga drug smuggler ang tatlong pulis sa Spain na humahabol sakanila matapos tumaob ang kanilang sinakyang police vessel.

Una rito, hinabol ng tatlong pulis ang mga suspek dahil sa hinihinalang may kargang droga ang kanilang speedboat sa timog na baybayin ng Spain.

Tumilapon ang sa dagat ang tatlong pulis officers matapos magsalpukan ang dalawang banga habang agpaikut-ikot ang sinasakyan nilang police vessel.

Kinumbinsi naman ng mga iba pang police officer gamit ang megaphone habang nakasakay sa police helicopter ang mga suspek na tulungan ang mga pulis.

Bumalik naman ang mga suspek at tinulungan ang mga pulis at iniahon mula sa tubig ang tatlong pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng kabutihang ginawa, inaresto pa rin ang mga suspek dahil sa kasaong drug trafficking matapos ma-recover malapit sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong toneladang hashish.