Aabot sa 95 katao ang nasawi matapos gumuho ang malaking tipak ng putik at bato sa isang ilog sa hangganan ng Nepal at Tibet, na nagdulot ng matinding pagbaha sa Nepal.

Ayon sa mga awtoridad, daan-daang turista at lokal na residente ang nawawala, kabilang ang mahigit 300 foreign travelers. Tinangay ng rumaragasang tubig ang mga bahay, kalsada, sasakyan at ilang imprastraktura.

Samantala, iniulat din ng China ang malaking pinsala sa Gyirong border port, habang patuloy ang search and rescue operations sa magkabilang panig.

Pinangangambahang maaari pang magkaroon ng panibagong pagbaha dahil may bara pa umano sa ilog sa upstream area. Inabisuhan naman ang mga residenteng malapit sa ilog na lumikas patungo sa mas mataas na lugar.

-- ADVERTISEMENT --