Halos lahat ng Pilipino ang naniniwala na talamak ang korupsyon sa pamahalaan, habang mayorya ang nagsabi na “normal” na itong bahagi ng pulitika sa bansa.

Ito ay batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, na isinagawa mula September 27 hanggang 30 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adult Filipinos, kung saan lumabas na 97 percent ng respondents ang naniniwala na talamak ang korupsyon sa pamahalaan.

Ang survey ay isinagawa isang linggo matapos ang malaki at sabay-sabay na September 21 anti-corruption protests sa buong bansa, bunsod ng multi-billion peso corruption scandal sa flood control projects.

Sa 97 percent ng respondents na tumugon, sinabi nilang talamak ang korupsyon, kung saan 78 percent pa ang nagsabi na ito ay sobrang talamak, habang 20 percent ang nagsabi na bahagyang talamak.

Dalawang porsiyento lamang ng respondents ang nagsabi na hindi nila batid kung ito ay talamak habang ang natitirang bilang ay sinabing hindi naman talamak ang katiwalian sa pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Mayorya din sa respondents ang nagsabi na normal ang korupsyon sa pamahalaan.

Malaking bilang din ng mga Pilipino ang naniniwala na ang tumaas ang korupsyon sa nakalipas na 12 buwan, sa 85 percent.