Bubuksan na sa susunod na pasukan ang ika-siyam na satelite campuses ng Cagayan State University sa bayan ng Solana, Cagayan.
Sinabi ni 3rd district Congressman Jospeh Jojo Lara na aprubado ng Board of Regents ang isinulong niyang pag-amiyenda ng Charter ng CSU upang ilipat at sumailalim ang Solana Fresh Water Fishery School sa Barangay Iraga bilang Cagayan State University-Solana Campus.
Sa pagbubukas nito ay iaalok ang kursong education, criminology, fishery at agriculture na madadagdagan habang nagpapatayo ng mga karagdagang gusali.
Habang ang mga Vocational Courses ay patuloy na inaalok sa mga mag-aaral at mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo ang mga mag-aaral sa Solana at Amulung.
Kabilang sa mga campuses ng unibersidad ay matatagpuan sa Andrews at Carig sa Tuguegarao City, Gonzaga, Lallo, Lasam at Sanchez Mira.