
Pinuri ang Cebu City sa peace, order, at hospitality sa ginanap na ASEAN Tourism Forum(ATF) 2026, subalit nagpahayag ng concern ang mga bumisitang tourism delegates sa tumataas na travel costs sa Cebu sa mga isinagawang major events.
Isiniwalat ni Mayor Nestero Archival, naobersabahan ng ASEAN tourism delegates ang pagtaas ng pasahe sa eroplano at hotels sa panahon ng mga mahahalagang aktibidad tulad ng Sinulog, na nakikita nilang dahilan sa pagbaba ng tourist arrivals.
Sinabi ni Archival, maraming delegado ang nagbahagi na sa kanilang mga bansa, nananatili ang presyo kahit sa panahon ng festivals at large-scale events.
Idinagdag pa niya na ito rin ang sinabi sa kanya ng mga dayuhang delegado sa kanyang pakikipag-usap sa mga ito.
Habang naging concern ang tumataas na presyo, iginiit ni Archival na naging positibo ang kabuuang assessment sa hosting nila ng ATF.
Sinabi niya na inilarawan ng mga ministers ang Cebu na payapa at malinis sa panahon ng kanilang pananatili sa lugar.
Isinagawa ang ATF mula January 28 hanggang 30, kung saan ito ang una major ASEAN-related events para sa 2026.










