
Inatasan ng Sandiganbayan si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na humarap sa anti-graft court sa October 12 para sa unang araw ng kanyang bail hearing.
Kaugnay ito ng P7.4-bilyong plunder case laban kay Romualdez at tatlo pang akusado kaugnay ng umano’y koneksyon sa flood control controversy.
Ayon sa Sandiganbayan, kailangan ding pirmahan ni Romualdez ang pre-trial order at inaasahang ihahain niya ang kanyang petition for bail sa September 28.
Dahil kasalukuyan siyang ginagamot para sa brain at heart-related ailments, dumalo si Romualdez sa pre-trial conference nitong Biyernes sa pamamagitan ng videoconference mula sa New Quezon City Jail.
Inaasahang maghahain ang prosekusyon ng 23 saksi sa bail hearings na gaganapin tuwing Lunes, Martes at Huwebes. Samantala, nakatakda sa November 23 ang pagsisimula ng paglalahad ng ebidensya sa P7.4-bilyong kaso.










