Screenshot

Inatasan ng Department of Migrant Workers o DMW ang pagbibigay ng buong reintegration assistance kay dating OFW Mary Jane Veloso matapos siyang palayain kasunod ng absolute pardon.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, bubuo ang DMW ng support team na makikipag-ugnayan sa pamilya ni Veloso sa Nueva Ecija upang ihanda ang kanyang pagbabalik sa komunidad at pagtulong sa kanyang pangmatagalang kabuhayan.

Kasama sa programa ang family at community-level interventions, gayundin ang pag-uugnay sa mga lokal na kooperatiba at oportunidad pangkabuhayan sa kanilang lugar.

Nakipagtulungan din ang DMW sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA upang matiyak na magiging maayos at sustainable ang paglipat ni Veloso sa kanyang bagong buhay.

Si Veloso ay nakulong nang 16 na taon kaugnay ng kasong droga sa Indonesia bago tuluyang makalaya matapos ipagkaloob sa kanya ang absolute pardon.

-- ADVERTISEMENT --