Isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC) ang panukalang payagan ang mga senior citizen, buntis, at persons with disabilities na makaboto isang linggo bago ang regular na araw ng halalan.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, layunin ng panukala na maglaan ng hiwalay na mga presinto para sa vulnerable sectors upang mabawasan ang paghihintay at mahabang pila sa araw ng halalan.

Inihalintulad ni Garcia ang planong sistema sa absentee voting habang naghahanda ang COMELEC para sa milyun-milyong botanteng inaasahang lalahok sa susunod na pambansang halalan.