
Muling binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Nobyembre 10 ang voter registration para sa 2028 National and Local Elections.
Isinasagawa ang Special Registration Anywhere Program (SRAP) upang mas mapadali ang pagpaparehistro ng mga botante sa iba’t ibang lugar.
Kabilang sa mga registration site ang Rizal Park sa Maynila na bukas hanggang Nobyembre 12, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Isasagawa rin ito sa Chino Roces Avenue sa Makati sa Nobyembre 19 at sa Far Eastern University sa Maynila sa Nobyembre 24.
Bukas ang programa para sa mga first-time voter, magpapa-reactivate ng rehistro, at mga nais magpalipat o magpalit ng voting precinct.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng isang valid government-issued ID at photocopy nito. Nag-aalok din ang Comelec ng libreng voter’s certification.










