Tinawag ng Malacañang na pagtataksil sa bayan ang mga opisyal na umano’y nananatiling tahimik sa mga usapin sa West Philippine Sea dahil sa pagtanggap ng suhol.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung may sapat na ebidensya, hindi dapat isawalang-bahala ang mga alegasyon laban sa mga opisyal na inuugnay sa ganitong gawain.

Ang pahayag ay kasunod ng alegasyon ni dating senador Antonio Trillanes na tumanggap umano si Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ng P319 milyon mula sa China sa pamamagitan ng kumpanyang CALE88.

Iginiit naman ni Castro na hindi pa humahatol ang administrasyon sa alegasyon at dapat munang tingnan ang sapat na ebidensya.

Samantala, sinabi ng Malacañang na dapat managot ang sinumang mapatunayang kumukunsinti o tumatanggap ng pera kapalit ng pananahimik sa mga usapin sa WPS.

-- ADVERTISEMENT --