May mga oportunidad para sa Pilipinas ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Formula 1 race sa Singapore, ayon sa Philippine ambassador sa Singapore.

Sinabi ni Ambassador Medardo Macaraig na inimbitahan si Marcos ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong at wala umanong kailangang bayaran ang Pangulo para sa tiket.

Ayon kay Macaraig, mahalagang makadalo ang Pilipinas sa mga ganitong international event upang hindi mapag-iwanan sa mga oportunidad na maaaring makuha ng ibang bansa.

Nasa Singapore si Marcos para sa working visit at inaasahang tatalakayin din nila ni Wong ang ASEAN chairship ng Singapore sa 2027.

Samantala, sinabi ng Palasyo na mas mahalaga ang mga gagawin ni Marcos sa Singapore, kabilang ang pagdalo sa Forbes Global CEO Conference, kaysa sa mismong panonood ng F1 race.

-- ADVERTISEMENT --