Nakatakdang umapela sa Supreme Court ang Office of the Vice President o OVP laban sa desisyon ng Commission on Audit o COA na pinal na i-disallow ang paggamit ng P73 milyon na confidential fund noong 2022.

Ayon kay defense counsel Michael Poa, hihilingin nila sa Korte Suprema na suriin ang COA resolution sa pamamagitan ng petition for certiorari, dahil umano sa grave abuse of discretion.

Iginiit ng COA na hindi nasunod ng OVP ang 2015 guidelines sa paggamit ng confidential funds at kinuwestiyon ang mga acknowledgment receipt bilang patunay sa paggasta ng pondo.

Sinabi ni Poa na pag-uusapan muna nila ni Vice President Sara Duterte ang desisyon bago ihain ang apela.

Ang paggamit umano sa P500 milyon na confidential fund ng OVP ay kabilang sa mga alegasyon sa impeachment case laban kay Duterte.

-- ADVERTISEMENT --