
Nasawi ang isang sundalo habang walo pang katao, kabilang ang isang 10-anyos na bata, ang nasugatan sa pananambang sa Basilan noong Oktubre 8.
Ayon sa Philippine Army, kabilang sa mga sugatan ang anim na sundalo at dalawang sibilyan na mag-amang napadaan sa lugar nang mangyari ang pag-atake sa Lamitan.
Inaalam na ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang insidente sa naunang pananambang sa Tipo-Tipo noong Oktubre 5, na ikinasugat ng 10 sundalo at isang civilian auxiliary.










