
Malugod na tinanggap ng Malacañang ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na karapat-dapat nang humarap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, umaasa silang mananatiling malusog si Duterte upang masagot ang mga alegasyon at maisiwalat ang katotohanan tungkol sa mga pagpatay sa ilalim ng kaniyang kampanya kontra droga.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30, 2026, na may mga espesyal na hakbang upang matugunan ang pangangailangan ni Duterte habang dumadalo sa mga pagdinig.










