
Siniyasat ng mga kinatawan ng Office of the Ombudsman ang opisina na iniwan ni Senador Jinggoy Estrada sa Senado, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug.
Sinabi ni Bantug na isinagawa rin ng Government Service Insurance System ang ocular inspection sa naturang opisina. Wala naman siyang natanggap na kahilingan mula sa Commission on Audit para magsagawa ng inspeksiyon, bagama’t humingi ang ahensiya ng paglilinaw sa mga patakaran ng Senado.
Naging usapin ang opisina matapos itong makitang halos walang laman, kabilang ang mga natanggal na tiles, saksakan ng kuryente, kasangkapan at ilang bahagi ng palikuran. Inaasahang gagamitin sana ito ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
Depensa naman ng mga tauhan ni Estrada, nakasanayan na umano sa Senado ang pagtanggal ng mga fixture at materyales sa mga opisina kapag nababakante ang mga ito.
Si Estrada ay kasalukuyang nakakulong kaugnay ng kasong plunder na walang piyansa.










