Umabot sa ₱9.15 milyon ang kabuuang cash rewards na ipinagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 28 sibilyan na nagbigay ng impormasyong nakatulong sa matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga.

Pinangunahan nina PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez at Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Secretary Oscar F. Valenzuela ang pamamahagi ng mga pabuya.

Isa sa mga impormante ang tumanggap ng ₱2 milyon matapos makatulong ang kaniyang impormasyon sa pagkakasamsam ng mahigit 40 gramo ng shabu at pagkakaaresto ng mga suspek.

Ayon kay Nerez, ipagpapatuloy ng ahensiya ang programang Operation: Private Eye upang mahikayat ang publiko na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa.