
Nasawi ang dalawang magsasaka sa Alabel, Sarangani matapos umanong sumailalim sa ritwal na tinatawag na “Sulif” o trial by ordeal upang maresolba ang kanilang alitan sa lupa.
Batay sa paunang imbestigasyon, isinagawa ang ritwal matapos mabigong magkasundo ang dalawa sa kabila ng pagdulog sa barangay.
Sa naturang ritwal, kapwa umano silang nagpaligsahan sa pagpigil ng hininga sa ilalim ng tubig. Umabot umano sa 12 minuto ang kanilang pananatili sa tubig bago sila isinugod sa ospital.
Gayunman, hindi na nailigtas ang dalawa. Idineklarang dead on arrival ang isa, habang binawian naman ng buhay ang ikalawa makalipas ang ilang sandali.
Patuloy pang dapat alamin ang buong detalye ng insidente, kabilang ang mga pangyayari bago isinagawa ang ritwal at ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ng dalawang magsasaka.










