Nag-uwi ng silver medal si beteranong para swimmer Ernie Gawilan sa men’s 200-meter individual medley SM7 sa 2026 Asian Para Games nitong Martes.

Nagtala si Gawilan ng oras na 2 minuto at 52.72 segundo upang makuha ang ikalawang puwesto sa event na nilahukan ng anim na manlalangoy.

Nasungkit ni Yilong Zhang ng China ang gold medal sa oras na 2:37.69, habang bronze naman ang napunta kay Niranjan Mukundan na nagtala ng 2:57.01.

Ito na ang ikalawang medalya ni Gawilan matapos niyang mapanatili ang kanyang gold medal sa men’s 400-meter freestyle S7.

Muli siyang sasabak sa Huwebes sa kanyang huling event, ang 100-meter backstroke S7.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa panibagong medalya ni Gawilan, umakyat sa apat ang kabuuang medalya ng Pilipinas sa kompetisyon.